Hi! :D hehe. Wala lang. Di mu din naman mababasa to eh, ganu man to kahaba at kung anu mang laman neto, Anyweiz, let me start it na.
Ginawa ko tong blog na to (supposed to be a letter, pero di ko kasi kayang ibigay sayo. I don't have COURAGE eh) para malaman mu lahat ng gusto kong sabihin sayo. So eto na talaga :
Paano nga ba nagsimula ang lahat, well eto oh…
November 26, 2009, nasa room 202 tayo pinanunuod mu ako ng short movie dun sa phone mung nawala. HAHA.*peace :D* tas, biglang ganito ang usapan :
Ikaw : tumatanggap ka ba ng application form.
Ako : huh? Anu?
Ikaw : application form ng manliligaw. :D
Ako : nge. (slow ko kasi, di ko agad nagets. HAHA)
Tapos next na eksena :
Tinawag ako ni Caren, ang pagkaka’pronounce niya ng name ko ay “ AHBHE” at narinig mu yun, tas ayun nagkaroon na tayo ng tawagan at yun ay “BHE”, bitter nga sila jeym nun eh, ginaya
daw natin. Hihi. :) (pero di pa kita gusto nyan ah! Yan palang ang simula ng kwento. ü )
Simula nung araw na yun, nag-iba. Ang sweet mu na, palagi pa kitang nakaka-usap at nakakayakap, pero para sakin wala lang, friends tayo db ? : )
December 16, 2009
Adickxz Christmas Party, first time kong sumama sa inyo. Alam mu yun, nung niyaya mu ko sa labas, nung gabi na, Super nag-enjoy ako nun, ang kuleet mu naman kasi nun, nananakot ka pa ah. adikk ka kasi eh. Natatawa talaga ako sayo nun. HAHA. Tas, ayun na nga,dahil sa Xmas party na yun, nakilala kita ng lubusan. Nalaman ko yung about sa past mung minahal at nasakatan ka talaga dun, nakapag-open din tuloy ako ng sa akin. hehe. Anyways, nalaman ko din na parehas pala tayong mabilis sipunin pag nahamugan at sinisipon every morning at last na nalaman ko sayo, parehas tayong ANTUKIN.HAHAHA. at dahil din sa xmas party na yan, nagkatabi tayo matulog, ayan tuloy sinasabi nila, jan tayo nagsimula. Hindi naman eh.. ӧ
January 2010
Simula ng taon, simula na din ng panibagong ewan.Ikaw naman kasi masyado kang malambing, masyado ka din mangulit sa akin. Alam mu yun, kinikilig talaga ako sayo ng bungga, lalo na pag niyayakap mu ko nun, ang higpit mu naman kasi makayakap, tapos lagi pa kitang kasama. Ayan tuloy. Hmm, naalala ko din nun nung magkatabi tayo sa upuan, tas sinabi mu nuod tayo sine, naalala mu yun? Kung di lang birthday ni Jane nun, ay naku, sasama talaga ako nun, grabe kinilig ako nun, as in. ikaw kasi eh. Ampf na yun,. Unti-unti na tuloy akong nafall sayo.
February 2010
Eto yung month ng LOVE eh, pero for me, this is the month for my HEARTBREAK. Nalaman mo na kasi yung tunay kong nararamdaman para sayo. Ampf na yan, kung sino mang makating dila ang nagsabi sayo nian, AY NAKU!! pero ayos na din na nalaman mu habang maaga pa. pero alam mu yung nakakainis? yun yung iniwasan mu ko nung nalaman mu, ang sakit-sakit kaya! tapos alam mu nung foundation week, dun talaga ko sobrang nasaktan eh, supposed to be dapat masaya ako nun eh, foundation kaya yun, lahat dapat masaya. Hmmm, gusto kong malaman mu na, tanggap ko naman na hindi ako yung taong gusto mu, yung taong mahal mu, alam mu yung di ko matanggap yung pagiging inconsistent mu, nakakainis ka kaya. Feb.9, sinabi mu kay aimee na may nffeel kn for me, kaso natatakot ka, kasi di pa 100%. Sabi ko nun, ahh okay. The next day, nagulat ako nung sinabi sakin ni Caren na wala kang nararamdaman for me, friends lang tingin mu sa akin. Nainis ako nunng sobra, hindi sa hindi mo ko gusto, kundi yung feeling na alam mu yun, anu ung sinabi mu kay aimee? Wala lang? huwaw! at sa sobrang inis ko sayo nun, nagtext ako kay hazel, at di ko ineexpect na nabasa mu ba or sinabi nia? at yun ang nag-trigger sayo para kausapin ako. Pero sinabi ko sa sarili ko nun na hindi talaga kita kakausapin, kaya iwas na iwas ako sayo nun. Tapos nalaman ko kay Caren yung pag-lipat mu ng school ekek. Grabe, di ko alam gagawin ko sayo nun, feeling ko kasalanan ko. Dahil dun, naisip ko na kausapin na kita. Pero nung nakita na kita, ewan ko ba, biglang nagbago isip ko, at ayaw na ulit kitang kausapin. Humingi ka pa talaga ng tulong sa kanila pero wala talaga, ayaw ko. Alam mu nung nasa OZ Carpark ka sa baba? Yung mag-isa ka lang?hinahanap ka nila nun, actually nakita kita eh, tinititigan kita at alam kong na’bobothered ka talaga nung time na yun, GUSTONG-GUSTO kitang puntahan kaso, naisip ko, pag pinuntahan kita, anung sasabihin ko?anung paguusapan natin?panu tayo? At sakto nakita ka nila, so di na ko pumunta. Umakyat kayo nun sa taas, nakakainis! kinabahan ako nun, ayoko kasing nandun yung presence mu, winish ko nun na umuwi ka na lang kaso hindi eh, pumasok ka pa dun sa room at ako nasa labas nun, at nung tinawag na kame para sa rehearsal,dib a dalawa yung pintuan nun?tanda mu? Iniisip ko kung nasan ka malapit dun, akala ko nandun ka malapit sa unang door so sa sunod na pintuan ako pumasok at nagulat ako kasi nandun ka pala, at pag-pasok ko, ngumiti ka, ngumiti din ba ko? Di ko tanda. HAHA. At yun, sa aming praktis, nag-antay ka pala talaga nun, di mu naman ako naka-usap :p sama ko nuh?? Okay lang, tanggap ko naman eh, besides sa tingin ko wala na talaga tayong dapat pag-usapan pa. Pero, alam mu, nung matutulog na ako, ikaw ang nasa isip ko, iniisip ko na sana pala kinausap na kita, sana pala natapos na ang dapat matapos. Wala eh, nangyari na. Bahala na lang ang tadhana kung nu mangyayari sa atin. At the next day, araw ng pag-sayaw namen, di ka pumunta. Sabi ko, di okay at least makakasayaw ako ng ayos kasi nga wala ka eh, wala akong iisiping may nanuuod sa akin na RYAN. pero xmpre iniisip kita nun, na sana andun ka para after ng sayaw mag-kakausap na tayo. Thankful naman ako sayo nun, kasi nag-goodluck ka sa akin nun, kahit na wer not okay. After ng week ng foundation, grabehan na tayo, napansin mu bay un? Ako kasi pansin ko, ay wait di lang ako nakapansin nun ah. it seems like we’re not exsisting sa mundo ng isa’t-isa, yung tipong magkakasalubong tayo at parehas tayong nakayuko na iwas na iwas sa isa’t-isa. Ang sakit nun sobra, pero di ko pinahalata sa iyo yun, pinakita ko nun na okay lang ako hindi ako affected kahit na ang totoo eh, umiiyak na ang puso ko sa sakit. ERRRRR! Ikaw kasi eh! Ay ako pala :P
March 2010
Gustong-gusto ko na talaga matapos ang lahat ng problema sa atin kaso wala eh, di xa ganun kadaling ayusin. Alam mu nung fieldtrip sobrang naiilang ako kasi ikaw yung nasa likuran namin. Gusto ko nun, magpalipat-lipat ng upuan malayo lang sayo. Buti na lang tinatabihan ako nila Von nun, kundi ay naku. Natawa pala ako sayo nung nasa likod ko kayo ni exciel tas kinukuha ko yung heart kong unan, tas sabi mu “binabawi mu na puso mu” double meaning boy! Hehehe. Gusto kong sabihin nun, na OO binabawi ko na, balik mu na ulit sakin please. Haha. Tas nung nagkatabi na tayo. Nainis ako, sobra. Ayaw kasi kita makatabi, honestly, umiiwas nga ako db. Eh kaso wala katabi na kita eh,wala na akong magagawa. Tapos nung namili tayo chocolates sa duty free, tas binigyan ko si louie at humingi ka din, naibigay ko sayo yung 3 ferrero, and then bigla kong naisip na baka bigyan mu ng meaning. Tanga ko naman kasi, yung kasi yung nakuha ko sa plastic kaya yun ang binigay ko (defensive much! Haha) at yung binigay mu sa aking Lays, hanggang ngayon nasa akin pa din yung balat nun, tinago ko yun sir! : )) Kala ko after ng fieldtrip magiging okay na tayo, and yes, medyo naging okay naman na tayo kahit na may time na iwas ako sayo, gaya nung sa bataan. Nung papunta tayo dun, sabi ko talaga kay louie kame tabi kasi ayokong ikaw ang makatabi ko nuh, mananahimik lang ako ng bungga. At nangyari nga yon diba. Haha. Pero buti na lang nag-enjoy tayo ng bungga sa Bataan. AY! alam mo ba, nung asa bus tayo nun, nung pauwi na, sinabi sakin ni Car na gusto niya daw ako para sa iyo, natawa na nga lang ako nun eh. :) At ayun bakasyon na, kala ko mawawala na nararamdaman ko for him, pero ewan.
May 2010
Supposed to be di kita iniisip nito eh, bakasyon kaya. hmm, pero infairness natuwa naman ako nung birthday ni louie kasi nakasama kita ulit. Kahit na nung papunta tayo eh, nainis ako, bakit nga ba ako nainis? Nakalimutan ko na eh. Haha. Basta ang alam ko nag-enjoy ako at nakasama kita ulit. : D Nung birthday din ni hazel, natuwa naman ako kasi nakasama kita. Loko pa nun si Sir tadeo kala mo ay close na sa atin, maka pag-intriga eh, muntanga talaga siya nun nuh?haha. kasalanan kasi ni Mhot yun, dare’dare kasi kame :p After that birthday I thought we’re okay na talaga, but I’m wrong,Nalaman ko yung sa inyo ni Edhs and yes, nasaktan talaga ako, SUPERDUPERMEGAHURT! Panu ba naman kasi di ninyo ako pinadaan ng gm at kung di pa ko nagtanung kay Jamie kung ano ibig sabihin ng mga gm nila, bakit ganun about sa inyo ni Edhs, eh ayun na nga. Nasaktan ako nun sobra! Umiiyak nga ako nun eh, panu yun din yung time na, maghihiwalay na dapat ang parents ko, sumabay pa kayo ni Ehds. Sana man lang kasi sinabi ninyo sakin, daya ninyo kasi di ninyo nishare sa akin. Inggit ako sa kanila. HAHA. :p Ayan tuloy, ayoko kayong makita, pero wala eh, pagkakataon nga naman. Nung nakita ko si edhs grabehan pa xa nun, talagang nag-beso pa sya tapos yumakap. Ako? N.A wala eh, di ko alam rreact ko, tahimik lang ako. Siguro nahalata yun ng iyong nippie. WAHAHA. Pero wala xang magagawa, bitter ako eh. : D At nung ikaw naman ang nakasama ko, Nanuod pa tayo ng Prince of Persia nun ah. Nailang ako nun, sabi ko nga kay Jamie, dapat pala din na ako sumama, ayaw kaya kita makasama. :p tapos nun, nabasa ko pa yung message mu sa FB ko, na your treating me as your sister. Sabi ko sa sarili ko nun, “ okay, acceptance na lang yun ahby”. Kaya simula nun, nipilit kong kalimutan ang lahat, so that wer okay na. And nagawa ko naman yun ah, nung sa Caliraya.
June 2010
The Caliraya Escapade. Yey! Saya neto nuh. Kulit kasi nating mga ACOMSS kahit pa na magkakahiwalay tayo ng group. Masaya pa din. At napansin mu, di ako bitter sayo nian ah, baet’baet ko sayo. Hehe. Syempre para sa akin, wala na lang. Wala naman akong magagawa kung nililigawan mu na siya eh kaya okay na ako. Tsaka pasukan na kaya, new school year dapat bago din ang lahat. Ahaha. And yes, it happens naman kasi naman classmate ko si Dan’ables, eh uber’uber crush ko kaya yun, problem ko lang eh kung panu kami ni edhs kasi xmpre para sa akin di pa kame okay. Pero luckily wala okay kame.
July 2010
Alam mu agad naisip ko nito yun birthday ko at birthday mu. Ampf naman kasi. Nung birthday mu actually ayoko talagang sumama nun eh, alam mu kung bakit? Ipapakilala mu daw kasi si edhs kay mama mu, syempre angawkward nun, kaya naisip ko, wag na lang sumama kaso mapilit sila eh, so sumama na din ako, kahit ayaw ko talaga. Bute na lang enjoy at di ko nakita yung inaasahan kong mangyayari. Baet naman pala ng mama mu, tas lage mu niaaway. ahaha. Kala ko kasing saya ng birthday mu yung magiging birthday ko, hindi pala. Ang sakit’sakit kasi di natuloy yun. Thank you pala ah, na’touch ako sa pag-tawag mu. Sa lahat kasi ng nag-comfort sa akin, ikaw yung tumawag na though di mu ko na-comfort ng harapan still na-feel ko pa din yung pag-ccare mu,kaya salamat ah. Salamat din pala dun sa videona ginawa mu. ANG KAPAL NG MUKHA MU! haha. yan lang masasabi ko,crazy about pa ah. ampf na yan. :D Ay wait, may sasabihin pala ako sayo. Alam mu nung GA, bago yung mismong araw, humingi ako ng sign na pag ikaw nasa VIOLET na group ibig sabihin, wala na talaga. As in over na. And nung nasa taas tayo nila Ernest, err ang awkward para sa akin nun, nagulat ako nung nakita kong violet nga ikaw, so ibig sabihin mu wala na. wuu. : ))
August 2010
Sa wakas! Wala na. May Dan na kasi ako. Buti na lang. at least di ba din ako masasaktan pa ulit sayo. Etong si Sir Tadeo nga lang, baliw-baliw. Issue na naman, ayaw kona nga pa’picture sige pa din xa, ikaw din. Baliw much. Ahaha. Ay naku, kaya na’troma na ako sa SLR nia eh. Ikaw ba na’troma na din? Sana naman oo diba. Haha.
September 2010
Hala, anung meron nito? Hmm. Naalala ko yung Nag-trinoma tayo. Yeah! First time ko makapunta dun at ikaw pa kasama ko ah. Bungga! Ikaw na! haha. patawa ka naman kasi, expected ko sa SM o kaya sa Rob lang tayo nun eh.Bat mu nga ba ako ililibre nun? Anu nga usapan natin? Nakalimutan ko na sir. hehe. Tsaka sa pagkakatanda ko sinabi ni Caren na sasama siya nun?hmm. tanda mu? alam kong hindi. :p Oh well thanks pala dun, ANG SAYA-SAYA!! : ))))) SUPERDUPERNAGENJOY AKO NUN! Promise. : )))) Kahit alam mu yun, feeling ko malas ka talaga eh, kita mu naman kasi nangyari sa atin nuh, sa LRT pa lang eh, lalo na yung sa MRT, ay jusme! Haha. pero ayos lang for sure naman mageenjoy tayo eh. At alam mu kung bakit feeling ko mageenjoy ako? Syempre ikaw ang kasama ko tapos nakita pa natin si james, my loves. HAHA. Nakulitan ka ba sa akin nun? Bat ko pa ba tinatanong, syempre naman OO na sagot dun, di ko talaga tinantanan si James nun eh, pati na din yung braso mu. Sorry naman. :p Basta ah, sabay tayo bibili nung sa MAC, pinky swear ka, daliiii…. : )))) Nag enjoy ka din naman nian diba? sabihing hindi, kundi ay naku. :’( At simula ng umalis tayong dalawa nun, lagi na nila tayo niaasar. The next day naman, nawala si phone mu, alam mu ba nasa may Jolibee kame sa Times nun, nung nag-gm si exciel. Grabe nag-alala ako sayo ng bungga nun, Sabi nga ni jeym, bat daw ganun ako. Eh bat ba xa, nag-aalala kaya ako sayo tsaka baka pagalitan ka ng mama mu nuh. Buti na lang at may phone kang nagagamit, AY! yung sa simcard mu na pinili ko, nasa akin pa din, actually nasa wallet ko xa eh. Yiiee! Hahaha. : D Yung pamaymay mung black? Nasa iyo pa ba yun? Ingatan mu yun sir ah, yung akin nasa akin pa din, nakikita mu naman siguro diba? :) at dahil sa mga bagay na yan, nabuhay na naman yung tinatawag nilang “WAHBY” nagsimula na nman sila. Duh? Ayaw ko na nga diba? kaso ewan ko ba, bat ganun sir?? nung nakain mu at palagi ka ng nagttext, ngccare, tapos dati pag inaasar tayo ayaw na ayaw mo, pero biglang, parang ayos lang sayo. Sa akin kasi hindi, baka magexpect ako eh, eh wala na nga diba? okay na nga ako eh.tapos eto ka naman, maririnigk o pang nagseselos ka kay Dan, adik ka sir? hello crush ko kaya yun, kaya bahala ka jan :p payi palakay Ren-Ren, naalala ko nung nagtanung ka kung sino yun, parang sakin so what naman sayo kung sino yung db? Care mu. Naiinis ako nun, kasi pinaguusapan ninyo ako nila Jason. Anu ba naman kasi sa inyo mga nigagawa ko db. And yes,pinaguusapan ka din naming kasi naman muntanga ka, selos’selos pa. arte ehh. Hmmm. ANO BA KASING MERON SAYO????
October 2010
“BAKIT MASYADO KA NG NAGING SHOWY?” nagtataka na ako, sila kung bakit. Ang protective mu na, naalala ko nun, pag nagpapasama ako, ayaw mu, pero that time go ka. Kahit gabihin ka, okay lang sayo. Nakakapagtaka. Hmmm. Nung nawala pala yung phone ko, natouch ako sayo nun, nung tumawag ka pa lang okay na ako eh, pero yung nicomfort mo ako at di ka talaga pa natulog nun, sobrang overwhelming na ako. SALAMAT ah. hmm, nasaktan ka pala nung pinahiram ako ni Ren-Ren ng phone nun, di mu naman sinabe sakin, kay Jamie ko pa nalaman. Kaya pala nagkaganun ka nung araw na yun. Ganda pa naman ng approach ko sayo nun, actually nainis ako nun eh, bigla ka kasing nagkaganun, lalo nung nasa library tayo nun, parang di ako nageexist sayo nun, tapos after nung exam natin sa automata inaapproach kita para dun sa project ko, sabi mu nun,”ang aga mu, tas nasan ako “ basta something like that tapos inayos mu na gamit mu, at umalis na. Nainis ako sayo nun, nag-magandang loob lang naman si Ren nun, kasi nga wala ako gagamitin tsaka hello?? Para din makatext kita nuh, kaso ikaw itong nag-inarte jan. nakaka’sama ng loob yung ganun diba.
Nagpadala ka na naman sa “SELOS”, pero naintindihan naman kita, syempre kaw pa :) Speaking of Project, Thank You pala. Grabe, natawa ako nun, kasi nung time na pasahan na nung project ko na yun, naiinis ako sayo, di ko alam kung paano kukunin sa iyo kaya k ay aimee ko pinakuha, na ayaw mu pang ibigay sa kanya, so ako na itong nagkusa na kunin, at natawa ko nung nakita ko, kasi okay na xa, ung info na lang sa contact me yung kulang. Kaya nung nasa labas ka, nasabi ko na lang bigla na “thank you ah, kumain ka na?” basta something like that yu eh, nawala inis ko sayo nun eh, thanks sa ginawa mung project ko. Sabi nga nila swerte ko daw kasi may tumulong sakin gumawa ng project ko, ikumpara daw sa kanila. Thanks to you, pati kay Louie Paul. At dahil sa pag tulong na yan, nagkaroon tayo ng usapan na manunuod ng sine, the two of us lang, pero alam mu nung sa defense nio natawa ako sayo nun, pano ba naman kasi, binigyan na kita option ayaw mu pa din kasi sabi mu gusto mu yung tayong dalawa lang. Kinilig ako nun sir! =’> Sayang nga nung hindi kayo nakasunod sa MOA eh, Kala ko talga makakasunod kayo, gusto ko pa naman makasama ka that time, kaso wala mas mahalaga syempre si project diba :) tsaka kasi kala ko last day na ng pag-kikita natin that time tas sa enrolment na ulit. Nagkita nga tayo nung pasahan ninyo ng project kaso your so busy and ayaw naman kita kausapin nun, tapos nung kakain sa mang Inasal, actually parang ayaw ko talaga sumama nun eh, kaso napilit ako ni Louie, so ayun na nga, si ikaw na, text pa xa eh! •_• Nagaway pa tuloy kame ni Jason nun. Hehe. Pero ayos lang yun :D I really’really hate the first day of enrolment. Panu ba naman kasi, di ka pa nga makakapag-enroll tapos alam mu yung ineexpect mong makakasama mo kasi parehas lang kayo ng situation eh wala, kasi anu may kasama xang iba. OO nagselos talaga ako kay Franz nung time nay un, panu ba naman kasi, lunchg time nun, kala ko talaga di ka nagpunta ng ADU, tapos gutom na ko makikita kita with Franz na nakakain na. Grabe nabanas talaga ako nun, kaya nung tinatawag mu ko sa hagdan di kita pinapansin, yun ang dahilan. Kaya pinili ko na lang mag-encode sa loob ng Dept kesa makita kitang magkasama kayo. SELOS ako, bakit ka ba jan. :| Pansin mu naman yun diba, buti na lang sinabi mong sasamahan mo ako magbayad ng tuition sa sunod na araw, kung hindi, ay naku, talagang di kita papansinin.Galing mu pala nung nagtext ka, Talagang sinabi mong deretsahan na nagseselos ako kay Franz, Adikk ka din eh, alam mu naman sinasabi mo pa. :p At dahil dun napiltan kang bumawi sa akin. Sorry kung ako ay nalate ng bungga. :’( Alam ko sumama loob mo sa akin nun, kasi ang ganda ng usapan natin nun, tapos ako pa yung sumira, pero SALAMAT kasi kahit na nangyari yun, di mo pa din ako iniwan, sinamahan mo ko hanggang matapos ang pag-eenroll natin. Kahit na maaga ka umuwi nun, Thankful pa din ako sayo. Grabe nila ako awayin nun, iniwan daw natin sila, alam mu naman yan diba, naikwento ko na yan sa iyo. Siguro kung andun ka, malamang nagalit ka na ng bungga sa kanila. Ikaw pa. hehe.. hmm, after enrolment nawala ka bigla, ewan ko, parang nawala si RYAN sa akin. Sabi ko nga nun, pag nakita kita, gusto kitang kausapin. Di ko expected na mangyayari yun, yung magkikita tayo. Kala ko kasi lakad lang naming ni Louie at Jamie yun eh, kasama ka din pala. :| Nung sinabi yung ni Louie tapos pinatext ka sa akin, kinabahan talaga ako nun. Promise! Di yata kasi kita kayang makita. Kaya nga nung nakita ka naming sa Gil Puyat, tapos BV kp, din a din ako nag-react, kinabahan ako eh. Nung nasa taxi tayo nun, pinag-isipan ko kung kakausapin ba kita o hindi. Tapos pag baba, ayon, natanong kita kung okay ka lang, eh mukhang hindi kaya din ako nagreact pa. Gustong-gusto ko na sayo sabihin lahat ng nararamdaman ko that time eh, kaso naisip ko, saying ang moment. Dapat masaya tayong 4 nun at yun naman yung nangyari. Nung na kela Louie na tayo, nagulat ako nun, kasi sabi mo sa tita mo ikaw matutulog, di naman pala.Dun din at magkatabi pa tayo. Ayos. At yun na ang huli nating pagkikita, syempre sembreak na eh. :)
November and Decembre 2010
New Sem, New Us. Wala na pala talagang tayo nuh, ay! wala naman pla talagang tayo. Grabe mukha tayong tanga, alam mo kung bakit? Kasi nasa isang room lang tayo,pero di man lang natin magawang mag-usap miski nga ngitian wala eh. Tama nga si Gleng eh, mas mabuti pa na di tayo magkasama sa block, para daw na’mimiss natin ang isa’t-isa di yung ganito tayo, wait! Di lang ako nakakapansin nian ah, Sa kanila din nanggaling yan, lalo kela Rona, kasi nga naman, miski isang ngitian wala pa. Minsan lang daw. Yung tipong magkakatinginan nga, di naman maguusap. Fuckables! Kasalanan ko ba yun, ikaw naman din kasi eh. Nakakainis ka talaga!!! Deadmahan pala ah. Kita mo naman yun ang binibigay mo sa akin, yun din bibigay ko sayo. Loko ka ah! Alam mo yung, gusting-gusto kitang kausapin lalo na pag nakikita kong wala kang kasama o badtrip ka, kaso natatakot ako nab aka deadmahin mo lang ako, kaya pinipili ko na lang na tingnan ka sa malayo. Binilin ka nila sa akin eh, magagawa kokung ayaw mo naman na kausapin kita diba, so wala na akkong magagawa, sariliin mo na lang pag nababadtrip ka. Naaawa ako sayo eh, SOBRA! Alam ko kasing di ka masaya sa block natin, ako din naman eh, pero accept na lang natin, isang sem lang naman eh. Ang laki ng pinagbago mo, ewan ko kung bakit, pero ang alam ko nakakainis ang pagbabago mo. Sana mabasa mo agad to eh, para mabago mo.Hindi na para sa akin eh, para sa iba na nagtatakakung bakit ka ganya. SOBRANG MISS NA KITA SIR!! >.<
Yung sa text mu ba na may namiss ka din,AKO ba yun? Ikaw kasi sobrang miss ko na,lalo na yung:
miss ko na yan, na kahit gabi na magkatext pa tayo,kahit lage na lang ikaw nauunang matulog. haha.
Miss ko din to eh:
hmm, nagtatampo pala ako sayo miski isang text wala akong natatanggap nung pasko eh, kala ko di mo na ako babatiin eh. Tapos alam mo yun, sobra akong nagulat nung may message ka sa akin, sabi ko, "waw ah! ano kayang nakain nito at binati ako" hehe. At napa’aga yung sa New Year, Wala kang load o ayaw mo ko makatext? :’( Ay may nakalimutan pala ako, last na hirit, haha. Nung bang nag'kulot ako ng hair ko, nagandahan ka sa aki? haha. Natatawa kasi ako sayo nun, nung Rizal natin, bawat tingin ko sayo, nakatingin ka din, nakangiti pa. haha. Kaloka ka. Aminin, nagandahan ka sa akin. WAHAHA. :D
Wait, Last na Hirit na to :
Ryan, gusto kong malaman mo na salamat kasi dumating ka sa buhay ko.
Salamat kasi pinasaya mu ako kahit mas marami yung sinaktan mu ko. Speaking of your pananakit, di naman kita sinisisi na masaktan ako eh, kasi di mu naman hiniling na mahalin kita eh, ako lang naman etong pasaway na minahal ka. Hehe.
Salamat kasi napapangiti mo ako sa mga KAKORNIHAN MU! :D
Salamat kasi kahit na paulit-ulit kong basahin ang mga messages mu sa akin ay di ako nagsasawa at paulit-ulit pa din akong kinikilig.
Salamat sa mga naexert mong effort (meron ba?? HAHAHA. Syempre meron naman!)
Salamat sa mga pag-tulong na ginawa mo.
Salamat sa pag-titiis sa ugali ko.
Salamat kasi anjan ka pag kailangan kita.
Salamat kasi to the rescue ka pag di ko na talaga kaya mga nigagawa ko.
Salamat sa mga concerns mo.
Salamat sa mga times na nispend mo with me.
Salamat sa libre, sana more libre to come. Hahaha.
SALAMAT kasi ikaw yan, ikaw yan na taong gusto ko.
Baka nagtataka ka kung bakit ako nagpapasalamat, Kasi alam ko kulang pa yung mga nasabi ko sayo dating SALAMAT, dahil sa dami mo na ding nagawa para sa akin. Di ko lang napapansin kasi mas napupuna ko yung sakit na nararamdaman ko sa nangyayari sa atin.
THE REGRETS:
Sana di mo na lang nalaman tunay kong nararamdaman sayo, kasi jan nagsimula ang problema ko nung nalaman mo eh, tingnan mu yung sa amin ni Ernest, di niya nalaman, and wer okay. Nung sa atin kasi, nagkaproblema tayo at buti na lang okay na tayo.
Di sana ko nag-expect from you, nasaktan tuloy ako. :)
Dapat sinunod ko to eh:
Sana di nalang ulit ako nagpadala sayo nung bumalik ka. :’(
May tatanong pala ako sayo, alin ka dito? Ako kasi yung pang-apat. HAHAHA. :))
Sobrang nagbago ka, this past few days, o should I say nung nakasama mo ako? Kung ano man dahilan ng pagbabago mo, di ako natutuwa, kasi hindi for good ang pagbabago mo eh, for worst. Naging napaka’tahimik mo,lagi kang badtrip, in short, nakakainis ka! Bago’bago ka na. Wag na ganyan. Dito lang naman ako lagi for you eh. Yiee!Hahaha. Seriously, Dito lang talaga ako lalo na pag gusto mo ng makakausap. Lalo na pag walang-wala ka na talagang malalabasan ng sama ng loob or what. Makikinig ako sayo, Promise! :)
And Lastly, Ryan, sobrang sakit nung nangyari sa atin before, nung bandang vacation. Pero natutunan kong tanggapin kasi sabi nila, wala naman magagawa ang pagiging bitter ko at ang pagmumukmok ko, di ka naman mapapasakin kung ganun gagawin ko. Tinanggap ko din na sister lang turing mo sakin, pero sana di ka na lang naging ganun ka sweet sa akin, ganun ka concern, na halos lahat ay alam na ganun ka. Kasi OO nagexpect ako sayo, kasi sa dami ng naririnig ko mula sa iba. Dapat pala di na ako nakinig sa kanila, nasaktan na naman tuloy ako. Ang SAMA’SAMA MO!!! Bakit ba lagi mo kong sinasaktan huh??? Iiwanan mo na naman pala ako, sana naman yung may paguusap. Kasi alam mo yun, pag tinatanong nila ako tungkol sa atin, wala akong masagot, kasi di ko talaga alam ang nangyari sa atin, masyadong mabilis ang lahat. Ang GAGU mo para gawin sakin yun. Di porket mahal kita, may karapatan ka ng saktan ako ng saktan, tao kaya ako, NASASAKTAN. Sana lang nabasa mu yung mga nasa tumblr ko, ay naka'private pala yun, if you want to read it, just let me know, ippublic ko para sayo ng makita mo, or mafeel mo kung ano ba naffeel ko about sa mga nangyayari sa atin.Di ako manhid, kagaya mo nuh. At ayoko ng magpaka’gago sayo, kasi sobra-sobra na akong nasasaktan. Sumusuko na yung puso ko eh, naawa na din ako kay puso, kasi naman lagi na lang xang nasasaktan. Oh well because of that I learned my lesson na. Kalimutan na natin ang lahat.Iwanan na natin sa 2010 yun. Let’s have a new beginning. Reset na gawin natin.Ayoko ng Reformat, mawawala lahat eh. Okay lang kung may sakit pa ding maiiwan pero at least andun pa din si happy moments. Salamat sa lahat. Start ulit tayo ng bago. :), basta alam mo naming lagi ang din naman ako anjan, one text a way lang naman ako. HAHA. :D
For the last time eto masasabi ko sayo:
Salamat ng lahat ng saya, kulitan at mga happy moments. Salamat din sa mga sakit na pina'feel mo sa akin, dahil dun, natuto ako. haha. Kala mo jan, makakaganti ako sayo nuh, masasaktan ka din. LoL. JOWK lang ah. Don't take it seriously. loveyou :)
Basta lagi mo tatandaan lagi lang ako andito for you, text ka lang o lapitan mo lang ako, di kita dededmahin, I’ll be good na. Ako’y mamamansin na, pero kung ako di mo papansinin, problema mo na yun. Oh xa, tama na. Sobrang haba na! Sarreh ho! :D Ingat ka lage. Libre mo ko DQ! Haha. :p
P.S
Sorry for the typo errors, Gusto ko tong umabot sa pagtatapos ng 2010 eh. HAHAHA. :p
May papakita pala ako sayong picture. Wala lang, nigawa ko. Bat ka ba jan. WAHAHA.
Love’Love,
*ahBy*
hby di ko pa tapos.
ReplyDeleteepal kasi si KUYA!!!!!!!
eniweiz.
malapit na ko.
parang twicw kong nakita name ko?
adik lang. :*