Si Justine. Nasa kwarto. Nag iisip. Nagmumuni-muni. Ano nga ba ang nangyari?, iniisip niya. “Bakit? Paano? Kanino?” Tila yata’y di niya matanggap ang eksenang nagaganap.

“Masaya. Malaya. Maluwag sa pakiramdam. Iyun ung nararamdaman ko ngayon.” Bulong ni Alex sa sarili niya. Si Alex. Nasa park. Nakatingin sa langit. Nakangiti.

Saan nga ba nagsimula ang lahat? Magkaibigan. Nagkasundo. Nagkapalagayan ng loob. Nahulog sa isa’t isa. Tapos? Tapos ano? Nahirapan. Nagkasakitan. Naghiwalay.

“Bakit nga ba umabot sa ganito? Hindi ba dapat e Masaya tayo? Gusto kong sumigaw, gusto kitang sampalin, sumabatan, lahat. Ano bang pagkukulang ko? Bakit hindi ka naging Masaya?” sambit ni Justine sa kwarto niya habang nakatingin sa letrato ni Alex.

“Malaya na ako sa wakas. Alam ko nakasakit ako, pero mas masasakta ko siya kung ipagpapatuloy ko ang lahat. Hindi din birong gawin ang desisyon na ito, kasi alam kong madaming magagalit sa akin. Pero hindi na ako masaya at kelanman di ako naging masaya. Mahal ko naman siya ee, pero di sapat iyon. Nung una akala ko matututunan kong maging masaya sa mga ginagawa niya para sa relasyon naming. Pero mali ako, di matututunan ang isang bagay na di mo naman talaga nararamdaman ee. Siya nga ba ang nagkulang o sadyang di lang talaga ako masaya.” Sambit ni Alex sa sarili niya habang naglalakad sa ilalim ng mga bituin.

“Saan ako nagkamali? Anong pagkukulang ko? Bakit hindi naging sapat lahat? Bakit kailangang maging ganito ang pagtatapos ng kwento?” paulit ulit na salita ni Justine sa sarili niya habang umiiyak sa kanyang kwarto.

Saan nga ba nagsimula ang lahat? Nagkakilala. Nagkapalagayan ng loob. Naging close. Nagkagustuhan. Nagmahalan. Tapos? Tapos nagkasakitan. Saan hahantong ang lahat? Dapat nga bang magalit ka sa kanya kasi nasaktan ka niya? Kasi iniwanan ka niya? Paano nga ba bumangon mula sa pagkakadapa? Paano umahon mula sa pagkakalaglag? Saan magsisimula? Kelan? Paano.. Paano..

“Wala namang pagkukulang si Justine ee, sobra sobra nga pa nga siya para sa akin ee, pero hindi kasi ganun kadali ang lahat. Parang napaka unfair kong tao kung hahayaan ko siyang ibigay ang lahat lahat niya sa akin, habang ako wala halos maibigay sa kanya. Nasa kanya na lahat. Maganda. Mabait. Maalalahanin. Malambing. Matalino at lahat ng pwedeng hanapin ng lalake sa isang babae e nasa kanya na. Pero may kulang ee, mayroon kasi akong di maramdaman. Dapat diba masaya? Masaya naman ako kapag kasama ko sya pero hindi yun ung sayang inaasahan ko. Yung spark? Parang plug lang na nagspark. Nawala agad, panandalian lang. Ni hindi man lang nagtagal, ni hindi mo nga matatandaan ung ganung klase ng spark ee. Para kasing wala lang talaga. Magic? Nag eexist ba ito? Meron ba talga nito? Kasi kung meron man, sorry wala akong naramdamang ganyan. Oo, inaamin ko ang sama ko nga siguro pero maiintindihan naman nila siguro na ginawa ko lahat para lang masabi ko sa sarili kong Masaya ako pero ang kasiyahan di natuturo, di nasasabi kasi kapag di mo to nararamdaman parang napaka useless ng isang bagay. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako, pero sana pagdating ng tamang oras magawa niya ulit akong ngitian bilng isang kaibigan. Yun lang naman ang pinanghihinayangan ko ngayun ee, yung pagkakaibigan namin. Nasaktan ko siya, alam ko di magiging madali ang lahat para sa kanya. Pero mas mabuti na ito, kesa magstay ako sa kanya kahit alam kong hindi na ako masaya. Sabi nga ni tatay nun minsan may mga bagay na gusto pa natin pero kailangan na nating bitawan dahil hindi na tayu masaya.” Isip-isip ni Alex habang nakahiga sa kanyang kwarto.

“Roller Coaster, ganun. Ganun ung relasyon namin ni Alex. Masaya sa una. Exciting. Nakakatuwa. Parang gusto mong ulit-ulitin. May ups and downs. May paikot pa nga minsan. Yung tipong mahihilo ka, mababadtrip, maiinis, mapapasigaw at maiiyak sa takot pero ayus lang kasi masaya. Pero iyon lang ung akala mo. Akala mo lang pala talaga masaya. Hindi mo mapapansin bigla ng bumabagal ang takbo. Nag-co-cool down. Hanggang sa biglaang hihinto. Tapos na ang excitement. Wala na ung saya. Andiyan na ung susuka ka at ipapangako sa sarili mong hindi ka na ulit sasakay sa ride na iyon. Pero sa totoo, kahit gusto ko pang ulitin ung mala roller coaster na pag iibigan namin, hindi na pwede kasi ayaw niya na. Kasi kabilang sya sa mga tao na nagsabing hindi na ulit sasakay sa ride na iyon. Siguro nga.. Siguro nga, ayaw niya ng ulitin ang ride na iyon. Siguro ayaw niya ng sumakay ulit sa ride na iyon ng ako ang kasama niya. Siguro sa susunod, sa susunod pwedeng siya o ako ang sasakay ulit sa ride na iyon pero hindi na kami ang magkasama. Pero sa ngayun, kung sasakay ulit ako dun, sana siya ung kasama ko. Kahawak ng kamay. At kasabay sumigaw habang ini-enjoy ang pagsakay doon.” Isip-isip ni Justine.

“Para ko noong nakasakay sa roller coaster. Pinipilit kong maging cool, masaya at okay lang all throughout the ride pero yung totoo di ako okay. Di ako nasisiyahan. Sa una, siguro oo, may tawanan pero kapag nandun ka na, hindi na pala ganun kasaya. Hindi din ganun ka exciting. Sakto lang. Ganun ung pakiramdam ko. Nakakahilo. Nakakatakot. Nakakaiyak. Nakakasawa. Ganyan ang pakiramdam ko sa roller coaster, gaya ng pakiramdam ko sa relasyon namin ni Justine. Ayaw ko noong bumitaw, kasi alam ko masasabihan akong duwag. Parang sa roller coaster di ka pede umatras kapag naaya ka kasi masasabihan ka ding duwag. Pero nung dahang dahang pahinto ang roller coaster naisipan ko ng bumaba at huwag na itong balikan pa. Kung babalikan ko man ito, hindi na si Justine ang kasama ko. Kung uulitin ko ang pagsakay sa roller coaster ibang kamay na ang hawak ko, at sa susunod na iyon sisiguraduhin kong hindi ko na sya bibitawan at magiging napakasaya ng pagsakay.” Si Alex habang nakatanaw sa malayu.

Disclaimer: This is not mine. I post this because it it happened to me a couple of months ago. :)
Credits to Ms. Roxanne Avero

0 comments:

Post a Comment

Friday, October 19, 2012

Roller Coaster

No comments:

Post a Comment